Ang Taong Siya'y Kilala
Ang Diyos na si Yahweh,dapat na purihinAng dakilang Haring dapat na kilalanin!
Ang kaalaman "tungkol sa Kanya"
At ang tunay na "pagkilala sa Diyos" ay magkaiba
Hindi sapat na ikaw sa Kanya'y maraming alam
Pagkat ang pagkilala at relasyon sa Kanya ay mas mainam
Kung ang Diyos ating tunay na kilala
Tayo'y magkakaroon ng dakilang lakas para sa Kanya
Lakas na Siya'y papurihan at pasalamatan
Sa lahat ng Kanyang Kabutihan
Sa kabila ng mga kahinaan
Ang Taong kilala ang Diyos na makapangyarihan
Ay may higit na kaalaman at karunungan
Sila'y may dakilang tapang at walang kinakatakutan
Handa Siyang ipaglaban at di mag-aalinlangan
Pagkat sa mga daang may karimlan
Pangako Niya'y iingatan at di bibitawan
Ang taong kilala angDiyos ay higit na kontento
Sa Kanyang pag-ibig at plano
Sanggalang ang lahat ng Kanyang turo
Gaya nila Shadrach,Meshach at Abednego
Na tapat at pinuno ng Banal na Espiritu
Mabuhay man o mamatay,sila'y kontento
Ngayon,sa lahat ng sinabi'y ako'y nanlulumo
Dahil sa mga oras at bagay na sinayang ko
Mga pagkakataong kinilala ko sana ang Diyos ko
Hindi ang mga walang kabuluhan sa mundo
Namuhay ayun sana sa Kanyang gusto
Aking Diyos ako'y iyong patawarin
Ipaalalang palaging ako'y Iyong nilikha upang Ika'y kilalanin
Isang pusong tapat,sa aki'y likhain
Bigyan mo,o Diyos ng bagong damdamin