Tuesday 13 December 2016

Pagbubulaybulay sa Kanyang Kabanalan


Ang ating kabanalan ay lubos na maiintindihan
Kapag kabanalan ng Diyos ating mauunawaan
Kung higit nating Siyang makikilala
Kasalanan nati'y ating makikita

Ang Kanyang kabanalan ay nailalathala
Sa kanyang mga obra't iba't ibang nilikha
Bagamat walang sino o anoman sa Kanya'y maikukumpara
Mula langit at lupa ay nagpapakitang Siya'y Banal at Dakila
Ang ating mga mata'y mamamangha na
Higit pa lalo kapag ating matanaw Kanyang mukha

Sa kabila ng kanyang kabanalan,
Nakita ko ang aking sarili na puno ng kasalanan
Kahit anong gawing pagsisikap sarili'y nauuwi sa kabiguan
Ngunit salamat sa Kanyang Anak na bumaba mula sa kalangitan
Siya'y ipinanganak sa sabsaban
Namatay at muling nabuhay upang aking kasalanan ay linisan
At bigyan ako ng kaligtasan at buhay na walang hanggan...

Aking Diyos, sa handog mong kaligtasan 
Itanim sa puso ang iyong mga gintong   Aral
Isapamuhay ang iyong Salita at magpaka banal

 

Copyright © 2008 Green Scrapbook Diary Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez