Wednesday, 3 June 2015

Isang Pasasalamat sa Diyos na may Gawa ng Lahat





Unang araw ng Hunyo ay certified MYAF na ako
Dahil dumating na ang pagiging biente-kwatro
Naalala ko pa ng pumasok sa edad na labing pito
Yun ata ay buwan ng Pebrero
Hindi akalaing mananatili ng ganito
Sa piling ng mga kabataang naging parte ng buhay ko

Nang maging parte ng kabataang Metodista
Ako ay labis na natuwa
Dahil hindi ko inakala na ito na pala ang simula
Ng mga karanasang mula sa Diyos na mapagpala

Bagamat noong una’y talagang nanibago
Sa mga kabataang labis ang “passion” sa I’yo
Nagpapasalamat sa kanila sa  ipinakitang pasensiya
Sa mga salitang binitiwan mula sa matalim kong dila
Higit sa lahat sa Diyos na Siyang nagbago ng puso at paniniwala ko

Dito,kasama ang kabataan nagkaroon din ako ng iba’t-ibang karanasan
Mag-aral ng Kanyang salita, kumanta at magtawanan
Mga Bible study ay inaabangan
Kahit pagdating ng evaluation ay bagsak naman J
Ngunit lahat ng natutunan dito’y di makakalimutan
Maituturing na tunay na kayamanan

Nagpapasalamat sa Diyos na puno ng kabanalan
Dahil dinala Nya ako sa grupo na mahal ang Kanyang katotohanan
Kaya nagkaroon ng masayang samahan
Bagamat may mga pagsubok na dinaanan
Lubos lubos pa rin naman ang naging kaligayahan
Sapagkat si Kristo ang pinanghahawakan

Ang karanasang mula sa aking kabataan
Ay maituturing na bonus lang naman
Kumpara sa pagkakakilala ko sa Diyos na makapangyarihan
Siya lang naman ang tunay na dahilan
Kung bakit patuloy ko Siyang pinapupurihan

Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng Iyong biyaya
Sa bigay mong SCC-UMYF na pangalawa kong pamilya
Upang lumago ako sa pananampalataya
Lahat ng ito’y mula sa Iyo aking Diyos na dakila

Ang totoo’y halo-halo ang nararamdaman
Dahil naiisip na graduate na ako sa kabataan 
Ngunit nangingibabaw pa rin ang kasiyahan
Dahil ipinakita Mo sa akin ang Iyong katapatan
Nakita na sino ba ako para Iyong bigyan
Ng pagkakataong lumago bagamat makasalanan
Ang lahat ng papuri ay sa Iyo lamang iniaalay
Sapagkat ang Iyong katapatan ay walang kapantay






Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag
Di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat
Aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw
Di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila si Yahweh, at karapat-dapat na siya'y purihin;
Ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

    -Awit 145:1-3



1 comments:

Bernard Rosario on 3 June 2015 at 20:33 said...

Sa Dios din ang aking papuri at pagsamba
Sapagkat sa aki'y niloob Niyang ipakita
Kung paano sa'yo itinanim ang pananampalataya
At kung paano Niya ito pinaunlad at pinagbunga
Kaya sa'yo ako'y nagkikigalak at nakikisaya
Bagama't lilisan na mula sa grupong nakasama
Magpapatuloy ang "passion" sa Kanyang ikadadakila

Post a Comment

 

Copyright © 2008 Green Scrapbook Diary Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez