Sunday, 9 November 2014


"Ang Aking Karanasan sa Pangasaan
Makita ang Kanyang Kaluwalhatian"

Ako'y natutuwa sa lahat ng karanasan
Paglalakbay mula San Carlos hanggang Pangasaan
Kasama ang mga kabataan
Dala-dala ang pusong gusto Siyang papurihan
Sa aming pag-akyat,hinarap ang iba't-ibang daan
Masikip,mabato,maging nakasusugat na talahiban
Init ng sikat ng araw amin na ring naramdaman
Sa kalagitnaa'y ramdam na ang sakit ng binti't katawan
Ngunit lahat ng aming pinagdaanan
May kapalit na kasiyahan
Nang marating ang taas ng kabundukan
Kamangha-mangha Mong likha, aming namasdan
Nagpapatunay ng Iyong di masukat na kapangyarihan
At di mapantayang karunungan
Dito'y naranasan ko ring magsalita sa mga kabataan
Magbahagi ng katotohanan
Tungkol sa kaligayahan sa gitna ng kahirapan
Inaamin kong noong una'y ako'y nag-aalinlangan
Dahil aminadong wala akong kakayahan
At inaaming ito'y aking kahinaan
Ngunit salamat sa Diyos,ipinakita Nya ang kanyang kadakilaan
Dahil sa aking kahinaan,Siya ang naging kalakasan
Natuto din akong maging kontento
Sa lahat ng biyayang bigay ng Diyos ko
Dahil sa buhay ni Manong Marcial at ang kanyang patotoo
Nasabi sa sarili "May mga pambihira talagang mga tao, dahil pambihira at dakila ang kanilang Diyos na si Kristo!"
Ang lahat ng katotohanan na aking napakinggan
Maging ang aking masayang karanasan
Ay mula sa Iyong grasya at kapangyarihan
Tunay na ang Iyong pagmamahal at kadakilaan ay di mapapantayan
Kahit ano pang tayog ng kabundukan
Dahil di masusukat ang Iyong kaluwalhatian.

0 comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2008 Green Scrapbook Diary Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez