Kapag kabanalan ng Diyos ating mauunawaan
Kung higit nating Siyang makikilala
Kasalanan nati'y ating makikita
Ang Kanyang kabanalan ay nailalathala
Sa kanyang mga obra't iba't ibang nilikha
Bagamat walang sino o anoman sa Kanya'y maikukumpara
Mula langit at lupa ay nagpapakitang Siya'y Banal at Dakila
Ang ating mga mata'y mamamangha na
Higit pa lalo kapag ating matanaw Kanyang mukha
Sa kabila ng kanyang kabanalan,
Nakita ko ang aking sarili na puno ng kasalanan
Kahit anong gawing pagsisikap sarili'y nauuwi sa kabiguan
Ngunit salamat sa Kanyang Anak na bumaba mula sa kalangitan
Siya'y ipinanganak sa sabsaban
Namatay at muling nabuhay upang aking kasalanan ay linisan
At bigyan ako ng kaligtasan at buhay na walang hanggan...
Aking Diyos, sa handog mong kaligtasan
Itanim sa puso ang iyong mga gintong Aral
Isapamuhay ang iyong Salita at magpaka banal