Unang araw ng Hunyo ay certified MYAF na
ako
Dahil dumating na ang pagiging
biente-kwatro
Naalala ko pa ng pumasok sa edad na
labing pito
Yun ata ay buwan ng Pebrero
Hindi akalaing mananatili ng ganito
Sa piling ng mga kabataang naging parte
ng buhay ko
Nang maging parte ng kabataang Metodista
Ako ay labis na natuwa
Dahil hindi ko inakala na ito na pala ang
simula
Ng mga karanasang mula sa Diyos na
mapagpala
Bagamat noong una’y talagang nanibago
Sa mga kabataang labis ang “passion” sa I’yo
Nagpapasalamat sa kanila sa ipinakitang pasensiya
Sa mga salitang binitiwan mula sa matalim
kong dila
Higit sa lahat sa Diyos na Siyang nagbago
ng puso at paniniwala ko
Dito,kasama ang kabataan nagkaroon din
ako ng iba’t-ibang karanasan
Mag-aral ng Kanyang salita, kumanta at
magtawanan
Mga Bible study ay inaabangan
Kahit pagdating ng evaluation ay bagsak
naman J
Ngunit lahat ng natutunan dito’y di
makakalimutan
Maituturing na tunay na kayamanan
Nagpapasalamat sa Diyos na puno ng
kabanalan
Dahil dinala Nya ako sa grupo na mahal
ang Kanyang katotohanan
Kaya nagkaroon ng masayang samahan
Bagamat may mga pagsubok na dinaanan
Lubos lubos pa rin naman ang naging
kaligayahan
Sapagkat si Kristo ang pinanghahawakan
Ang karanasang mula sa aking kabataan
Ay maituturing na bonus lang naman
Kumpara sa pagkakakilala ko sa Diyos na
makapangyarihan
Siya lang naman ang tunay na dahilan
Kung bakit patuloy ko Siyang pinapupurihan
Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng Iyong biyaya
Sa bigay mong SCC-UMYF na pangalawa kong
pamilya
Upang lumago ako sa pananampalataya
Lahat ng ito’y mula sa Iyo aking Diyos na
dakila
Ang totoo’y halo-halo ang nararamdaman
Dahil naiisip na graduate na ako sa
kabataan
Ngunit nangingibabaw pa rin ang kasiyahan
Dahil ipinakita Mo sa akin ang Iyong
katapatan
Nakita na sino ba ako para Iyong bigyan
Ng pagkakataong lumago bagamat
makasalanan
Ang lahat ng papuri ay sa Iyo lamang
iniaalay
Sapagkat ang Iyong katapatan ay walang
kapantay
Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag
Di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat
Aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw
Di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila si Yahweh, at karapat-dapat na siya'y purihin;
Ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.
-Awit 145:1-3